Itinatakda ng The Global Alliance for Sustainable Supply Chain (tatawaging “ASSC” mula rito) ang polisiyang nauugnay sa paghahawak ng personal na impormasyon sa ASSC Workers Voice, ang application software na inilalaan ng ASSC, ayon sa sumusunod.
Bukod dito, ang depinisyon ng mga termino sa dokumentong ito ay ayon sa batas ukol sa proteksyon ng personal na impormasyon (tatawaging “Personal Information Protection Law” mula rito) at mga nauugnay na batas.
Pagsunod sa mga Kaugnay na Batas at Guideline
Mahigpit na ipatutupad ng ASSC ang Personal Information Protection Law at iba pang nauugnay na batas, mga guideline atbp. na itinakda ng Personal Information Protection Commission, EU General Data Protection Regulation (GDPR), iba pang naaakmang kaugnay na batas, at ng Privacy Policy na ito (tatawaging “Polisiya” mula rito) sa paghahawak ng personal na impormasyon sa legal at angkop na paraan. Maaaring magkaroon ng pagbabago sa Polisiya ayon sa angkop na batas.
Pagkolekta ng Personal na Impormasyon
Kokolektahin ng ASSC ang personal na impormasyon mula sa Tagagamit ayon sa saklaw na aktibidad ng ASSC sa lehitimo at angkop na paraan.
Maaaring kolektahin ng ASSC ang mga sumusunod na impormasyon mula sa Tagagamit kapag gagamitin ang AWV:
Impormasyong diretsong kukunin mula sa Tagagamit
Edad o araw ng kapanganakan
Pangalan
Email address
Password o iba pang impormasyong kinakailangan para sa pagtiyak sa pagkakakilanlan upang ma-access ang account
Mga impormasyong itinakda ng ASSC na kokolektahin sa aplikasyon o website
Iba pang impormasyong nauugnay sa Tagagamit na itinakda ng ASSC
Impormasyon ng Terminal o Device
Maaaring kunin ng ASSC ang terminal identifier, mobile device identifier, at IP address kapag ginamit ng Tagagamit ang AWV sa terminal o portable device. Bukod dito, maaaring kunin ng ASSC ang pangalan ng Tagagamit na nakaugnay sa device, uri ng device, numero ng telepono, bansa at username, o email address, pati na rin ang iba’t ibang impormasyong piniling ilahad ng Tagagamit.
Impormasyon sa Lokasyon
Maaaring kunin ng ASSC ang impormasyon ukol sa lokasyon ng Tagagamit kung ginamit ng Tagagamit ang AWV sa terminal o portable device, at pumayag siyang ibahagi ang kanyang lokasyon.
Impormasyong nauugnay sa aksyon ng Tagagamit
Sa paggamit ng Tagagamit sa serbisyo ng ASSC, maaaring kunin at panatilihin ng ASSC ang impormasyong diretsong ibinigay ng Tagagamit sa ASSC at impormasyong ibinigay sa pamamagitan ng ikatlong panig na naglalaan ng serbisyo ng AWV. Maaari ring kunin ang kalagayan ng paggamit ng AWV ng Tagagamit, at ang impormasyon ukol sa interaksyon nito sa ibang tagagamit.
Punsyon ng komunikasyon
Maaaring itala sa archive at panatilihin ng ASSC ang impormasyon ukol sa komunikasyon, kapag ginamit ng Tagagamit ang AWV upang makipag-ugnayan sa ibang tagagamit at sumapi sa tiyak na aktibidad sa pagbabahagi ng impormasyon (kabilang ang teksto, user profile, mensahe, litrato, larawan, audio, video, aplikasyon, at iba pang nilalamang impormasyon).
Pagkolekta ng impormasyon gamit ang cookies
Sa pag-access ng AWV, kukunin ng ASSC ang sumusunod na espesipikong impormasyong teknikal. Gumagamit ang ASSC at ang mga tagapag-laan ng serbisyong tumatayo bilang kinatawan ng ASSC ng log files at teknolohiya sa tracking upang kunin at suriin ang cookies, IP address, uri ng device, mobile device identifier, uri ng browser, wika ng browser, reference at exit page, uri ng platform, bilang ng pag-click, pangalan ng domain, landing page, bilang ng pagtingin sa page at pagkakasunod-sunod ng pagtingin sa page, URL ng bawat page, haba ng pagtingin sa espesipikong page, status ng aplikasyon o website, petsa at oras ng aktibidad sa aplikasyon o website ng ASSC, at iba pang impormasyon. Maaari ring iugnay ang mga impormasyong ito sa user ID ng Tagagamit para gamitin sa loob ng kumpanya ng ASSC. Bukod dito, maaari ring gamitin ng ASSC ang (i) web beacon upang tiyakin kung tiningnan ang espesipikong page o kung binuksan ang email, (ii) pagbubukod ng mga kasalukuyang Tagagamit mula sa espesipikong mensahe ng promosyon, pagtukoy ng pinagmulan ng bagong instalasyon, at iba pang teknolohiya kabilang ang tracking pixel na ginagawang mas epektibo ang publisidad sa pamamagitan ng paglalaan ng patalastas sa Tagagamit habang siya ay nasa ibang website.
Impormasyong kukunin sa pakikipagtulungan sa serbisyo sa labas ng ASSC
Maaaring kunin ang impormasyong pinayagang isiwalat ng Tagagamit mula sa serbisyo sa labas ng ASSC sa pamamagitan ng ID na ginagamit ng Tagagamit sa serbisyo sa labas, depende sa setting ng privacy sa serbisyo sa labas ng ASSC.
Layunin sa Paggamit ng Personal na Impormasyon
Hindi gagamitin ng ASSC ang impormasyong ibinigay ng Tagagamit sa ASSC para sa ibang layunin maliban kung malinaw ang saklaw ng paggagamitan nito ayon sa paraan ng pagkuha ng impormasyon, o nasa ilalim ito ng saklaw ng layunin sa paggamit na nakasulat sa ibaba, o kung may pagsang-ayon ng Tagagamit, o may hiwalay na itinakda sa Patakaran sa Paggamit ng aplikasyon, o kung pinahihintulutan ito ng batas.
Para sa layuning gamitin ang Personal na Impormasyong nauugnay sa mga taong nagtatrabaho sa mga pabrika, tindahan, opisina, at iba pang lugar
Inspeksyon, pananaliksik, at pagsusuri ng kalagayan sa pagtatrabaho sa pinagtatrabahuhan
Pangongolekta ng impormasyon ukol sa kalagayan sa pagtatrabaho sa pinagtatrabahuhan
Pagpapanatili ng kaligtasan sa pinagtatrabahuhan
Paglalaan ng resulta ng pagsusuri sa impormasyon
Pagbibigay payo ukol sa aksyon ng manggagawa
Maayos at angkop na pakikipag-ugnayan sa Tagagamit
Para sa layuning gamitin ang Personal na Impormasyong nauugnay sa kaanib na organisasyon ng Tagagamit (tatawaging “Kaanib na Organisasyon” mula rito), mga Kliyente (tatawaging “Kliyente” mula rito), at ibang kumpanya sa parehong industriya (tatawaging “Ibang Kumpanya sa Parehong Industriya”).
Inspeksyon, pananaliksik, at pagsusuri ng kalagayan sa pagtatrabaho sa pinagtatrabahuhan ng Tagagamit
Pangongolekta ng impormasyon ukol sa kalagayan sa pagtatrabaho sa pinagtatrabahuhan ng Tagagamit
Pagpapanatili ng kaligtasan sa pinagtatrabahuhan ng Tagagamit
Paglalaan ng resulta ng pagsusuri sa impormasyon
Pagbibigay payo ukol sa aksyon ng Kliyente
Pagpapadala ng notipikasyon at ulat sa ahensya ng gobyerno at kaanib na organisasyon
Maayos at angkop na pakikipag-ugnayan
Kontribusyon sa website at magazine
Subcontracted na Gawain
Maaaring i-subcontract ng ASSC ang paghahawak ng personal na datos sa kasosyong kumpanya. Gayunman, ang datos na ibibigay sa subcontractor ay ang minimum lamang na kinakailangang impormasyon upang maisagawa ang subcontracted na gawain.
Paglalaan sa Ikatlong Panig
Hindi ilalaan ng ASSC ang personal na datos sa ikatlong panig (maliban sa subcontractor) maliban na lang kung may paunang pagsang-ayon mula sa Tagagamit o kung pinahihintulutan ito sa batas.
Pagbabahagi sa Iba
Kung ibabahagi ng ASSC ang personal na datos sa espesipikong indibidwal, magbibigay ng paunang notisya sa Tagagamit o gagawin ito sa paraang malalaman ng Tagagamit.
Paglilipat ng Datos
Maaaring ilipat ng ASSC ang personal na datos mula sa ibang bansa papunta sa opisina ng ASSC sa Japan. Ang paglilipat ng personal na datos mula sa mga pabrika, tindahan, opisina, at iba pang lugar na nasa bansa o rehiyon ng United Kingdom at EU papunta sa opisina ng ASSC sa Japan ay batay sa nakuhang akreditasyon ng sapat na antas ng proteksyon ng Japan.
Para sa paglalaan sa ikatlong panig na nasa ibang bansa ng personal na datos na natanggap ayon sa akreditasyon ng sapat na antas ng proteksyon mula sa EU o United Kingdom, paunang kukunin ng ASSC ang pagsang-ayon ng taong kinauukulan sa paglalaan ng personal na datos sa ikatlong panig sa ibang bansa, pagkatapos magbigay ng kinakailangang impormasyon ukol sa kalagayan ng paglilipatan upang makapagpasya ang taong kinauukulan sa pagbibigay ng pagsang-ayon, maliban na lang sa alin sa mga sumusunod na sitwasyon (1) hanggang (3):
Kaugnay sa proteksyon ng personal na karapatan at interes, kapag ang kinauukulang ikatlong panig ay nasa bansa kung saan mayroong alituntunin sa sistema ng proteksyon ng personal na impormasyon na kinikilalang magkatulad sa antas ng sistema sa Japan
Kaugnay sa paghahawak ng ikatlong panig ng personal na datos na tinanggap mula sa kumpanyang humahawak ng Personal na Impormasyon, kapag nakipagtulungan ang mga ito upang gumawa ng aksyong nauugnay sa proteksyon ng Personal na Impormasyon na magkatulad sa antas ng Personal Information Protection Law, sa pamamagitan ng angkop at makatuwirang paraan (tulad ng kontrata, ibang format ng kasunduang may bisa, o ibang paghahawak na mayroong bisa sa grupo ng kumpanya)
Kapag tumutugma ito sa bawat item ng Artikulo 23, Sugnay 1 ng Personal Information Protection Law
Pangangalaga ng Personal na Datos
Pagtitiyak ng Kawastuhan ng Nilalaman ng Datos
Sisikapin ng ASSC na panatilihing wasto at pinakabago ang nilalaman ng personal na datos sa loob ng lawak na kinakailangan upang makamit ang layunin sa paggamit, at burahin ang personal na datos kapag hindi na ito kailangang gamitin.
Aksyon sa Pangangasiwa ng Seguridad
Gagawa ng kinakailangan at akmang aksyon ang ASSC upang iwasan ang pagkalat sa labas, pagkasira, at pinsala ng personal na datos, at para sa iba pang pangangasiwa ng seguridad.
Patnubay ng Manggagawa
Para sa pagpapahawak ng personal na datos sa mga manggagawa, magsasagawa ng kinakailangan at angkop na patnubay sa mga manggagawa sa pamamagitan ng lubusang pagtuturo sa kanila ukol sa tamang paghawak ng personal na impormasyon at pagsagawa ng angkop na pagsasanay.
Patnubay ng Subcontractor
Kapag isu-subcontract ang paghawak sa personal na datos, pipili ang ASSC ng subcontractor na gumagamit ng nararapat na pangangasiwa ng seguridad bilang kasosyong kumpanya, at magsasagawa ng kinakailangan at angkop na patnubay sa subcontractor.
Batayan ng Pagproseso
Kokolektahin at gagamitin lamang ng ASSC ang personal na datos kapag mayroon itong legal na batayan. Ang legal na batayan ay ayon sa sumusunod:
Kapag nagbigay ng pagsang-ayon ang Tagagamit sa pagproseso ng kanyang sariling personal na datos.
Kapag kinakailangan ang pagproseso upang ilaan ang serbisyo ng AWV, at matupad ang layunin sa paggamit.
Kapag kailangan ang pagproseso upang matupad ang legal na katungkulang kailangan sundin ng ASSC.
Kapag kailangan ang pagproseso para sa lehitimong interes na hinahangad ng ASSC o ng ikatlong panig. Kabilang sa “lehitimong interes” ang paggamit ng personal na datos sa pagsasagawa ng layunin sa paggamit ng Artikulo 3, at pangongolekta ng impormasyon upang mag-ambag sa pagpapabuti ng pagsasagawa ng layunin sa paggamit. Gayunman, kailangang bigyang-priyoridad ang saligang karapatan at kalayaan para sa proteksyon ng personal na datos lalo na kung bata ang subject ng datos.
Kapag kailangan ang pagproseso upang isagawa ang trabaho para sa kapakanang pampubliko at upang gamitin ang pampublikong na awtoridad na ibinigay sa ASSC.
Ukol sa Pagtanggap ng Pinapanatiling Personal na Datos
Ipapaalam nang walang pagpapaliban kapag nagkaroon ng kahilingan mula sa Tagagamit o kinatawan na ipaalam ang layunin ng paggamit sa pinapanatiling personal na datos, maliban sa mga sumusunod na kaso:
Kapag malinaw ang layunin sa paggamit ng pinapanatiling personal na datos na tinutukoy ang Tagagamit
Kapag may panganib na mapinsala ang buhay, katawan, pagmamay-ari, at iba pang karapatan at interes ng Tagagamit o ng ikatlong panig
c) Kapag may panganib na mapinsala ang karapatan o lehitimong interes ng ASSC
Kapag may panganib na mapinsala ang karapatan o lehitimong interes ng ASSC
Kapag kinakailangang makipagtulungan sa mga nasyonal na ahensya ng gobyerno o lokal na organisasyong pampubliko upang sundin ang gawaing nakatakda sa batas, at may panganib na magiging hadlang ito sa pagsagawa ng gawaing ito
Ipapaalam nang walang pagpapaliban kapag nagkaroon ng kahilingan mula sa Tagagamit o kinatawan na isiwalat ang pinapanatiling personal na datos, maliban sa mga sumusunod na kaso:
Kapag may panganib na mapinsala ang buhay, katawan, pagmamay-ari, at iba pang karapatan at interes ng Tagagamit o ng ikatlong panig
Kapag may panganib na maging itong malubhang balakid sa maayos na operasyon ng ASSC
Kapag labag ito sa batas
Kapag nagkaroon ng kahilingan mula sa Tagagamit o kinatawan para sa rebisyon, pagdagdag, at pagbura ng pinapanatiling personal na datos, magsasagawa ng imbestigasyon, gagawa ng karampatang aksyon ayon sa resulta ng imbestigasyon, at makikipag-ugnayan sa Tagagamit nang walang pagpapaliban.
Kapag nagkaroon ng kahilingan mula sa Tagagamit o kinatawan para itigil ang paggamit sa pinapapanatiling personal na datos o burahin ito, isasagawa ang karampatang aksyon kapag nalaman na may dahilan ang kahilingan.
Isasagawa ang karampatang aksyon kapag nagkaroon ng kahilingan mula sa Tagagamit o kinatawan na maglagay ng restriksyon sa pagproseso ng pinapanatiling personal na datos.
Gagawa ng karampatang aksyon kapag nagkaroon ng kahilingan mula sa Tagagamit o kinatawan para isaayos sa estruktura, gamitin para sa karaniwang paggamit, o tanggapin sa format na mababasa ng makina ang pinanghahawakang impormasyon. Bukod dito, may karapatan ang Tagagamit o kinatawan na ilipat ang kinauukulang datos sa ibang tagapangasiwa, nang walang pagsagabal ng ASSC.
Gagawa ng karampatang aksyon kapag tumutol ang Tagagamit o kinatawan sa pagproseso ng kanyang personal na datos batay sa pangangailan ng pagproseso para sa layuning lehitimong interes na hinahangad ng ASSC o ng ikatlong panig.
Mayroong karapatan ang Tagagamit na hindi sumunod sa desisyong batay lamang sa awtomatikong proseso tulad ng profiling na mayroong legal na epekto o magkatulad na malubhang epekto sa Tagagamit.
Kung hihilingin ang nakasulat sa 8 sa itaas, mangyaring ipadala ang inyong kahilingan sa aming tanggapan na nakasulat sa 10 Mahigpit naming pag-iingatan ang inilaang Personal na Impormasyon, at gagamitin ito para tumugon sa kahilingan ng Tagagamit. Mangyaring unawain na hindi ibabalik ang pinadalang invoice o kalakip na dokumento.
Anonymously Processed Information
Alinsunod sa batas, maaaring kunin ng ASSC ang Anonymously Processed Information na pinroseso sa naaakmang paraan upang hindi matukoy ang pagkakakilanlan o maibalik ang Personal na Impormasyon, at gamitin ito para sa pagsusuri, pagsisiyasat, at imbestigasyon, at sa kinakailangang saklaw para sa paggawa ng trabaho; maaaring patuloy na ilalaan ng ASSC ang impormasyong ito sa ikatlong panig matapos ang malinaw na pagpapahayag na ang impormasyong ito ay Anonymously Processed Information. Ukol sa natanggap na Personal na Impormasyon mula sa EU o United Kingdom alinsunod sa akreditasyon ng sapat na antas ng proteksyon, hindi na muling matutukoy ng kahit sinuman ang pagkakakilanlan ng indibidwal matapos burahin ng ASSC ang impormasyon ukol sa paraan ng pagproseso (tulad ng deskripsyon at kodigo para sa personal na identipikasyon, at paraan ng pagproseso na binura mula sa Personal na Impormasyong ginamit upang likhain ang Anonymously Processed Information (para lamang sa Personal na Impormasyon na maaaring ibalik muli gamit ang impormasyong ito)). Ang mga item ng Personal na Impormasyon na kabilang sa inilaang Anonymously Processed Information at ang paraan ng paglalaan ng Anonymously Processed Information ay ayon sa sumusunod:
Lilikhaing Anonymously Processed Information
Impormasyon tulad ng kasarian, edad, atbp.
Impormasyong nauugnay sa nilalaman ng konsultasyon
Anonymously Processed Information na ilalaan sa ikatlong panig
Item ng impormasyong ukol sa indibidwal na kabilang sa Anonymously Processed Information na kabilang sa Anonymously Processed Information na ilalaan sa ikatlong panig
Impormasyon tulad ng kasarian, edad, atbp.
Impormasyong nauugnay sa nilalaman ng konsultasyon
Paraan ng paglalaan ng Anonymously Processed Information
Ilalaan ito sa pamamagitan ng server na may sapat na kontrol sa pag-access, indibidwal na email, o gamit ang koreo o courier
Panahon ng Pagpapanatili ng Personal na Datos
Panghahawakan ng ASSC ang personal na datos ng Tagagamit hangga’t mayroong account ang Tagagamit. Maaaring panghawakan ng ASSC ang datos ng partikular na Tagagamit kung kinakailangan para sa seguridad at pag-iwas sa pandaraya, kahit pagkatapos makatanggap ng kahilingan upang burahin ang account.
Tanggapan para sa Paglutas sa mga Reklamo, mga Katanungan, atbp.
The Global Alliance for Sustainable Supply Chain
ASSC WORKERS VOICE Secretariat
〒211-0006
Towa City Coop Shinmaruko 202
1-chōme−653-7, Marukodōri, Nakahara-ku, Kawasaki-shi, Kanagawa
Phone: 044-982-1967 (pangunahing numero)
Oras ng Pagtanggap ng Tawag: 9:00-17:00 (JST)
(maliban sa Sabado, Linggo, public holiday, at araw na hindi bukas ang kumpanya)
Email: voice.office@g-assc.org
Ukol sa Rebisyon ng Privacy Policy
Muling susuriin ng ASSC ang nilalaman ng Polisiya kung naaangkop, at maaaring baguhin ito kung kinakailangan. Sa kasong ito, magiging mabisa ang bagong Privacy Policy mula sa araw na nagkaroon ng opisyal na anunsyo ukol sa nirebisang edisyon.
Pinagtibay Hulyo 3, 2020
Patakaran sa Paggamit ng ASSC Workers Voice (AWV)
Ipinagtitibay ng patakarang ito (tatawaging “Patakaran” mula rito) sa pagitan ng mga korporasyon o iba pang organisasyon (tatawaging “Korporasyon Atbp.” mula rito) na pumasok sa kontrata ng pag-install ng ASSC at AWV, at mga tagagamit (tatawaging “Tagagamit” mula rito) na itinakda ng Korporasyon atbp. upang ipagamit ang AWV, ang mga kondisyong nauugnay sa paggamit ng ASSC Workers (kasama ang Genba-Wise, ang smartphone application ng ASSC Workers Voice (tatawaging “Genba-Wise” mula rito)) (magkasamang tatawaging “AWV” mula rito) na inilalaan ng The Global Alliance for Sustainable Supply Chain, General Incorporated Asssociation.
Artikulo 1 (Pagsang-ayon sa Patakaran)
Kinakailangang sundin ng Korporasyon Atbp. at Tagagamit ang Privacy Policy ng ASSC Workers Voice (AVW) at mga tuntunin ng Patakaran sa paggamit ng AWV.
Kung menor-de-edad ang Tagagamit, mangyaring gamitin ang AWV matapos kunin ang pagsang-ayon (kasama ang pagsang-ayon sa Patakaran) ng kanyang legal na kinatawan tulad ng taong may awtoridad ng magulang. Bukod dito, sa oras na sumang-ayon sa Patakaran, kung ginamit ng Tagagamit na dating menor-de-edad ang AWV matapos niyang makamit ang hustong gulang, ituturing na pinagtibayan niya ang kanyang aksyon ng paggamit noong panahong menor-de-edad siya.
Kung mayroong napagkasunduang Indibidwal na Patakaran para sa kanyang paggamit ng AMV, kinakailangang sundin ng Tagagamit ang mga tuntuning nakasaad hindi lamang sa Patakaran ngunit pati na rin sa Indibidwal na Patakaran sa Paggamit sa kanyang paggamit ng AWV.
Artikulo 2 (Pagbabago sa Patakaran)
Maaaring palitan ng ASSC ang Patakaran sa kahit anong oras kung hinusgahan na kinakailangang gawin ito.
Mabisa ang binagong Patakaran sa oras na pinaskil ito sa naaakmang lugar sa website na pinamamahalaan ng ASSC o AWV. Ang paggamit ng Tagagamit sa AWV matapos ang pagbabago sa Patakaran ay ituturing bilang pagsasang-ayong epektibo at di-mababawi sa binagong Patakaran. Sa paggamit ng AWV, mangyaring sumangguni sa pinakabagong Patakaran kapag kinakailangan.
Para sa mga Korporasyon Atbp. na may naiibang paraan ng paggamit na nakasaad sa Patakaran, sila ay magkakaroon ng hiwalay na kontrata sa ASSC na naglalaman ng mga kinauukulang pagkakaiba. Ang pagbabagong ito ay ipapaalam ng Korporasyon Atbp. sa mga Tagagamit.
Article 3: The Summary of the Services
The User may use the services under the name of the “AWV” offered by the ASSC described within the Terms herein, and other services specified separately by the ASSC. The services include: offering advice regarding the User’s enquiries; making suggestions for helping with the improvements of, or visiting, the User’s workplace and examining the situation and all of the problems reported; preparing a report or making suggestions on new measures for the Businesses; establishing a database; performing an analysis; reporting to the law enforcement agencies, fire services or emergency services at a time of emergency; and offering support and rescue measures through activities such as forming an investigation team within the ASSC. Furthermore, all communication-related expenses, required for e-mail exchanges, browsing websites and/or any other communications, in order to use the AWV services on mobile phones or other information-telecommunication devices, shall be covered by the Business.
Artikulo 3 (Buod ng Serbisyo)
Sa pag-rerehistro ng password para sa paggamit ng Genba-Wise, ang Tagagamit ay may responsibilidad na mahigpit na pangalagaan ang kanyang password upang hindi ito magamit ng iba nang walang awtorisasyon. Ituturing ng ASSC ang lahat ng aksyong nagawa gamit ang nakarehistrong password bilang aksyon ng mismong Tagagamit.
Ang Tagagamit na nag-rehistro sa Genba-Wise ay maaaring burahin ang kanilang account at umalis sa pagiging miyembro sa anumang oras.
May karapatan ang ASSC na itigil o burahin ang account ng Tagagamit nang walang paunang notisya kapag may hinihinalang paglabag o posibilidad na lumabag ang Tagagamit sa Patakaran.
Mawawala ang lahat ng karapatan ng Tagagamit sa paggamit sa Genba-Wise sa oras na binura ang account, sa kung ano mang kadahilanan. Mag-ingat dahil hindi na maibabalik ang account kahit na nagkamali sa pagbura ng account ang Tagagamit.
Ang account sa Genba-Wise ay pagmamay-ari ng Tagagamit lamang. Hindi maaaring ilipat, ipahiram, o ipamana ang lahat ng karapatan ng Tagagamit sa paggamit ng Genba-Wise.
Hindi maaaring gumawa ng mahigit sa isang personal na account sa Genba-Wise.
Kapag itinigil ng ASSC ang personal na account ng Tagagamit sa Genba-Wise, hindi maaaring gumawa ng bagong account nang walang pahintulot ng ASSC.
Artikulo 5 (Paglalaan ng Serbisyo)
Responsibilidad ng Tagagamit o ng Korporasyon Atbp. na ihanda ang kinakailangang smart device, telecommunication device, operation system, paraan ng telekomunikasyon at kuryente upang magamit ang Genba-Wise. Bukod dito, kung menor-de-edad ang Tagagamit, mangyaring gamitin ang mga kagamitang inaprubahan ng Korporasyon o ng legal na kinatawan tulad ng taong may awtoridad ng magulang upang gamitin ng Tagagamit.
Ilalaan lamang ng ASSC ang kabuuan o bahagi ng serbisyo ng AWV sa mga Tagagamit na natutugunan ang mga kondisyon tulad ng edad, pagtitiyak ng pagkakakilanlan, lahat ng impormasyong ibinigay ng Tagagamit upang magamit ang serbisyo (tatawaging “Nakarehistrong Impormasyon” mula rito), at iba pang kondisyong itinuturing na kinakailangan ng ASSC.
Titiyakin ng Tagagamit ang mga itinakdang kondisyon ng ASSC, tulad ng pangalan at nilalaman ng AWV, edad, at kinakailangang kagamitan para sa paggamit ng serbisyo, at ayon sa mga kondisyong ito, gagamitin ang AWV sa loob ng saklaw ng itinakda ng ASSC.
Maaaring palitan ng ASSC ang pangalan ng AWV o itakda ang saklaw ng paggamit, atbp. sa anumang dahilan nang walang paunang pagpapaalam o notipikasyon sa Tagagamit.
Gayundin, maaaring i-set up, dagdagan, burahin, palitan ang nilalaman, itigil o alisin ang kabuuan o bahagi ng punsyon ng AWV.
Maaaring malayang gamitin ng ASSC sa loob ng ipinapalagay na kinakailangang saklaw ang lahat ng impormasyon sa AWV, kabilang ang mga konsultasyong gamit ang AWV, para sa maagang pagtuklas ng problema sa karapatan ng manggagawa at pagpapabuti sa supply chain.
Sumasang-ayon ang Tagagamit na kahit pagkatapos kanselahin ang rehistrasyon ng Tagagamit, maaaring panatilihin ng ASSC ang nilalaman ng konsultasyon ng Tagagamit sa loob ng makatuwirang haba ng panahon para sa back-up, archive, o pag-audit, at pananatilihin ang kopya ng archive ng rekord ng Tagagamit kung iniutos ng batas o kung kinakailangan para sa layunin ng lehitimong gawain.
Artikulo 6 (Talatanungan)
Maaaring hilingin ng ASSC sa Tagagamit na sumagot, bumoto, o magsulat ng kontribusyon sa format na talatanungan (Tanong), para sa pananaliksik ng katangian, kalakaran, at opinyon (tatawaging “Talatanungan” mula rito) ng Tagagamit kung kinakailangan, sa pamamagitan ng website o email.
Ililipat sa ASSC ang lahat ng karapatan tulad ng karapatang intelektwal na pag-aari at karapatang-ari na lalabas sa nilalaman ng kasagutan ng Tagagamit sa Talatanungan sa oras na pinadala ng Tagagamit ang sagot sa ASSC. Maaari ring gamitin ng ASSC ang impormasyong nakapaloob sa mga kasagutan ayon sa paghahawak ng Nakarehistrong Impormasyon at Personal na Impormasyon na nakatakda sa Artikulo 8.
Artikulo 7 (Pangangalaga sa Impormasyon ng Awtentikasyon at Pagbabago sa Nakarehistrong Impormasyon)
Pangangalagaan ng Tagagamit ng Genba-Wise, bilang kanyang sariling responsibilidad at sarili niyang bayad, ang kanyang Nakarehistrong Impormasyon tulad ng ID, password, at iba pang impormasyong kinakailangan (tatawaging “Impormasyon ng Awtentikasyon” mula rito) para sa awtentikasyon ng ASSC sa koneksyon ng Tagagamit. Hindi maaaring ipagamit sa ikatlong panig ang Impormasyon ng Awtentikasyon, ilipat, ipamana, isangla ito o gamitin ang iba pang paraan ng pamimigay nito sa ikatlong panig, o ilathala ito sa publiko.
Pananagutan ng Tagagamit ang pinsalang dulot ng pagkalat ng Impormasyon ng Awtentikasyon dahil sa pagkukulang ng Tagagamit ng Genba-Wise na pangalagaan ito, mga pagkakamali sa paggamit, paggamit ng ikatlong panig, di awtorisadong pag-access, atbp. Walang pananagutan ang ASSC maliban na lang kung may malubhang kapabayaan o sadya ito ng ASSC. Kung sakaling magkaroon ng pinsala sa ASSC o sa ikatlong panig dulot ng di-awtorisadong paggamit ng Impormasyon ng Awtentikasyon, pagbabayaran ang Tagagamit ng akmang halaga para sa mga pinsala.
Agad na makikipag-ugnayan ang Tagagamit ng Genba-Wise sa ASSC gamit ang paraang itinakda sa Patakaran kapag nagkaroon ng pagbabago sa Nakarehistrong Impormasyon, pagsisiwalat ng Impormasyon ng Awtentikasyon sa ikatlong panig, at kung hinihinalang ginagamit ng ikatlong panig ang Impormasyon ng Awtentikasyon. Bukod dito, gagawin ng Tagagamit ang lahat ng aksyong maaari upang maiwasan ang paggamit ng ikatlong panig sa Impormasyon ng Awtentikasyon, at susundin ang instruksyon ng ASSC kung mayroon nito.
Kung hindi gumawa ng aksyong nabanggit sa itaas tulad ng pakikipag-ugnayan ang Tagagamit ng Genba-Wise at nagkaroon ng pagkalugi nang dahil dito, walang pananagutan ang ASSC maliban na lang kung may malubhang kapabayaan o sadya ito ng ASSC.
Kapag hindi nakipag-ugnayan ang Tagagamit ng Genba-Wise ayon sa Sugnay 3 ng Artikulong ito, maaaring ituring ng ASSC na umalis na ang apektadong Tagagamit sa pagiging miyembro.
Artikulo 8 (Nakarehistrong Impormasyon at Personal na Impormasyon)
Gagamitin ng ASSC ang nakarehistrong impormasyon ayon sa mga layunin sa seksyon sa ibaba:
Pamamahala ng operasyon ng AWV (saklaw nito ang paglalaan ng iba’t ibang uri ng impormasyon ng ASSC sa Korporasyon Atbp. o sa Tagagamit)
Paglalaan ng serbisyo ng ASSC (hindi lamang ng AWV) na itinuturing ng ASSC na may benepisyo para sa Korporasyon Atbp. o sa Tagagamit, o ng impormasyon ukol sa produkto o serbisyo ng advertiser o kasosyo sa negosyo
Pagsisiyasat gamit ang Talatanungan para sa pamamahala ng kalidad ng AWV at pagsusuri sa mga resulta nito
Pakikapag-ugnayan sa Tagagamit ukol sa mga bagay na may malaking epekto sa operasyon ng AWV (sakop nito ang malawakang pagbabago sa nilalaman ng AWV at pansamantalang pagtigil, ngunit hindi limitado rito)
Pakikipag-ugnayan sa Tagagamit upang makuha ang pagsang-ayong nauugnay sa paghawak ng Personal na Impormasyon
Sumasang-ayon ang Tagagamit na isiwalat ng ASSC ang Nakarehistrong Impormasyon sa ikatlong panig maliban sa mismong Tagagamit para sa mga kaso sa sumusunod na seksyon:
Pagsasama-sama at pagsusuri ng Nakarehistrong Impormasyon para sa pagpapabuti ng AWV o ng ibang nauugnay na serbisyo, o paglilinang ng nauugnay na proyekto
Pagsisiwalat o paglalaan sa ikatlong panig ng impormasyong galing sa pagsasama-sama at pagsusuring nabanggit sa itaas, sa paraang hindi matutukoy o makikilala ang indibidwal
Kung sumang-ayon ang mismong Tagagamit ng naturang Personal na Impormasyon sa pagsisiwalat at paggamit ng kanyang Nakarehistrong Impormasyon
Kapag itinuring na kinakailangan ang pagsisiwalat at paggamit ng Nakarehistrong Impormasyon upang maglaan ng serbisyong hinahangad ng Korporasyong Atbp. at ng Tagagamit
Kapag kailangan ng ikatlong panig tulad ng kasosyo sa negosyo atbp. ang Nakarehistrong Impormasyon upang maglaan ng serbisyong hinahangad ng Korporasyon Atbp. at ng Tagagamit (gayunman, hindi maaaring gamitin ng ikatlong panig tulad ng kasosyo sa negosyo atbp. ang Nakarehistrong Impormasyong inilaan ng ASSC maliban sa kinakailangang saklaw para sa paglalaan ng serbisyo).
Pagsunod sa batas
Kapag kailangan ito upang protektahan ang buhay, pangangatawan o pagmamay-ari ng ASSC, Korporasyon Atbp., Tagagamit o ng ikatlong panig, o ang lahat ng serbisyong inilalaan ng ASSC
Kapag partikular itong kinakailangan para sa pagpapabuti ng kalusugang pampubliko o para sa pagtataguyod ng malusog na pagpapalaki ng mga bata
Kapag kailangang makipagtulungan sa organisasyon ng gobyerno, lokal na gobyerno, o taong kinomisyon upang isagawa ang trabahong nakatakda sa batas, at kapag lehitimong hiniling ng mga ito ang pagsisiwalat ng impormasyon
Panghahawakan ng ASSC ang Personal na Impormasyon ayon sa Privacy Policy ng ASSC.
Maaring hilingin ng Tagagamit ang pagsiwalat, pagbura, pagrebisa, o pagtigil sa paggamit ng Nakarehistrong Impormasyon. Kapag nakumpirma na mayroong kahilingang mula sa mismong Tagagamit, agad itong aaksyunan ng ASSC.
Artikulo 9 (Pagtigil sa Paggamit Atbp.)
Kung naaakma ang alinman sa mga kaso sa ibaba o kung may hinala ang ASSC tungkol dito, maaaring gumawa ng agarang aksyong itinuturing naaakma ng ASSC, tulad ng pagtigil ng kabuuan o bahagi ng AWV nang walang paunang abiso o notipikasyon sa Korporasyon Atbp. at sa Tagagamit, at nang walang pagsang-ayon ng Korporasyon Atbp. at ng Tagagamit, o pag-aabiso sa kinauukulang Tagagamit sa diskresyon ng ASSC. Bukod dito, kung hindi gumagana ang nakarehistrong email address, ituturing na nagpadala ng abiso sa kinauukulang Tagagamit kapag ginawa ang mga aksyong ito.
Kapag nilabag ang Patakaran sa Paggamit na ito
Kapag mayroong kasinungalingan o pagkakamali sa nakarehistrong impormasyon
Kapag ipinalalagay na hindi gumagana ang nakarehistrong email address
Kapag nagpanggap bilang ikatlong panig at nag-rehistro bilang Tagagamit ng Genba-Wise
Kapag tumigil sa pagiging manggagawa o subcontractor ng Korporasyon Atbp. ang Tagagamit
Kapag namatay ang Tagagamit
Iba pang dahilang itinuturing ng ASSC na hindi angkop para maging Tagagamit
Magbabayad ang Korporasyon Atbp. sa ASSC ng bayad sa pinsala kung magkaroon ng anumang pinsala nang dahil sa mga nakasaad sa itaas.
Walang pananagutan ang ASSC na isiwalat sa Tagagamit ang dahilan sa paggawa ng aksyong nakatakda sa Sugnay 1.
Artikulo 10 (Karapatang Intelektwal na Pag-aari Atbp.)
Pagmamay-ari ng ASSC ang lahat ng karapatang-ari (kabilang ang karapatang nakatakda sa Artikulo 27 o 28 ng Japanese Copyright Act) na lalabas mula sa mga teksto, larawan, video, program, at iba pang impormasyong bumubuo sa AWV, kabilang ang Genba-Wise, iba pang karapatang intelektwal na pag-aari, karapatang personal tulad ng karapatan sa paggamit ng sariling imahen at karapatan sa publisidad, karapatan ng pagmamay-ari, at iba pang karapatan sa pag-aari.
Sumasang-ayon ang Tagagamit na isalin ng ASSC at gamitin sa iba’t ibang paraan ang lahat ng impormasyong isinumite, in-upload, o naka-save sa AWV (kabilang, ngunit hindi limitado sa tekstong impormasyon, larawang impormasyon, atbp.) at sa pag-save at pagtipon ng mga ito, para sa maayos na operasyon at pagpapabuti ng AWV, at publisidad ng ASSC at AWV (kasama ang mga nilalaman at artikulong pagpapakilang inilathala ng ikatlong panig sa media).
Sumasang-ayon ang Tagagamit na hindi gagamitin ang kanyang personal na karapatan at karapatang-ari ng taong pinayagan ng ASSC at ASSC na manahin ang kanilang karapatan.
Pananagutan ng Tagagamit, sa kanyang sariling bayad, ang pagresolba sa mga problema kapag nagkaroon ng paglabag ng ikatlong panig sa kanyang karapatang-ari. Bukod dito, hindi magdudulot ang Tagagamit ng kahit anong gambala o pinsala sa ASSC.
Artikulo 11 (Mga Ipinagbabawal)
Ipinagbabawal na gawin ng Tagagamit ang mga sumusunod:
Kasinungalingang pahayag
Aksyong sagabal sa operasyon ng AWV
Paglabag sa mga karapatan at paninira sa puri at karangalan ng ibang Tagagamit, ASSC, at iba pang ikatlong panig
Kapag nilabag ng Tagagamit ang alinman sa mga ipinagbabawal sa itaas, maaaring humingi ng kompensasyon ang ASSC sa kinauukulang Tagagamit para sa mga pinsalang natanggap ng ASSC nang dahil sa kanyang aksyon.
Artikulo 12 (Pagtigil, Pagsuspinde, at Pagwawakas ng AWV)
Maaaring itigil ng ASSC ang kabuuan o bahagi ng AWV dulot ng mga sumusunod na dahilan:
Kapag regular o emergency na isasagawa ng ASSC ang maintenance at inspeksyon ng computer system na ginagamit para sa paglaan ng serbisyong AWV
Kapag hindi posible ang operasyon ng AWV nang dahil sa emergency tulad ng sunog, kawalan ng kuryente, at iba pang likas na sakuna
Kapag hindi posible ang operasyon ng AWV nang dahil sa digmaan, gera sibil, paghihimagsik, at alitan sa trabaho
Kapag hindi mailalaan ang AWV nang dahil sa pagkasira ng computer system na ginagamit para sa paglalaan ng serbisyo, at impeksyon ng computer virus mula sa di awtorisadong pag-access ng ikatlong panig
Kapag hindi mailalaan ang AWV o serbisyo para sa Tagagamit bilang aksyon sa pagsunod sa batas o ordinansa
Kapag paunang ipinaalam ito ng ASSC sa Tagagamit sa loob ng makatuwirang panahon sa pamamagitan ng email o iba pang paraan
Sa iba pang dahilang itinuturing na di-maiiwasan ng ASSC
Kapag itinigil ng ASSC ang AWV dulot ng mga nakasaad sa itaas, paunang ipapaalam ito sa Korporasyon Atbp. at sa Tagagamit sa loob ng makatuwirang panahon, sa pamamagitan ng email at iba pang paraan. Gayunpaman, maaaring magkaroon ng eksepsyon sa oras ng emergency.
Artikulo 13 (Pagtanggi sa Responsibilidad)
Hindi ginagarantiya ng ASSC ang legalidad, kawastuhan, pagka-akma, bisa, moralidad, at pagkakaroon ng pahintulot sa paggamit ng karapatan ng lahat ng impormasyong nilalaman ng AWV.
Walang pananagutan ang ASSC kapag nagkaroon ng problema sa pagitan ng mga Tagagamit at sa pagitan ng Tagagamit at ng ikatlong panig (tulad ng pamumungkahi ng aksyong ilegal o labag sa moralidad ng publiko, paninira sa karangalan, pag-insulto, paglabag sa privacy, pagbabanta, paninirang-puri, panunukso, atbp.) maliban na lang kung may malubhang kapabayaan o sadya ito ng ASSC.
Walang pananagutan ang ASSC sa pinsalang matatanggap ng Tagagamit dulot ng pagtigil, pagsuspinde, pagwawakas at pagbabago sa AWV ayon sa Sugnay 3 ng Artikulong ito (kabilang, ngunit hindi lamang, ang pagkawala ng impormasyon atbp.) maliban na lang kung may malubhang kapabayaan o sadya ito ng ASSC.
Walang pananagutan ang ASSC sa anumang pinsalang dulot ng personal computer, smartphone device, mobile device, at linya ng telekomunikasyon na gamit ng Tagagamit, pag set-up ng software, o impeksyon atbp. ng computer virus. Bukod dito, maaaring ipaalam ng ASSC sa Tagagamit ang kaugnay na set-up, atbp. sa pamamagitan ng hiwalay na itinakdang paraan.
Bukod sa mga nakasulat itaas, hindi pananagutan ng ASSC ang lahat ng pinsalang matatanggap ng Tagagamit nang dahil sa kanyang paggamit ng AWV, maliban na lang kung may malubhang kapabayaan o sadya ito ng ASSC.
Ang kabuuang halagang babayaran ng ASSC bilang bayad sa pinsalang dulot ng Patakaran sa Paggamit o AWV ay hindi lalagpas sa kabuuang halagang binayad ng Tagagamit sa ASSC sa loob ng nakaraang 12 buwan.
Artikulo 14 (Konsultasyon at Korte ng Hurisdiksyon)
Sa panahong magkaroon ng pagdududa o problema ukol sa AWV sa pagitan ng Korporasyon Atbp., Tagagamit, ASSC, at ikatlong panig, kokonsultahin ng bawat partidong kasali ang isa’t isa nang may pagtitiwala at layuning ma-resolba ang problema.
Ang lahat ng alitan ukol sa Patakaran sa Paggamit ay nasa ilalim ng eksklusibong hurisdiksyon ng Tokyo Summary Court o ng Tokyo District Court bilang hukumang unang dulugan.
Artikulo 15 (Namamahalang Batas)
Ang Patakaran sa Paggamit na ito ay nasasailalim sa batas ng Japan at bibigyang kahulugan ayon sa mga batas ng Japan.